Tuesday, December 13, 2011

NOLI ME TANGERE SINOPSIS NG KABANATA 25





















SA TAHANAN NG PILOSOPO (pahina 312-331) 


                                                 
Sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere, ipinakita ang paghingi ng payo ni Crisostomo Ibarra (isang ilustrado) kay Pilosopo Tasyo (matalinong katutubo) sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Ipinahahayag sa kabanatang ito ang tunay na kalagayan ng lipunan sa kanilang panahon.  Pagdating niya sa bahay ni Pilosopo Tasyo ay abala ito sa pagsulat kaya’t nag-atubiling abalahin uoang sumanguni. Abala sa pagsulat gamit ang geroglifico, sumusulat siya na inilaan niya para mabasa ng mga susunod na henerasyon. Winika niya na ang sinusulat niya’y tanging ang mga tao lamang sa susunod na salinlahi o sa hinaharap ang makakaintindi dahil ang tao sa kasalukuyan niyang panahon ay hindi ito mauunawaan. Hindi na sana gagambalain pa ni Ibarra si Pilosopo Tasyo ngunit nang mapansin ay pinigilan siyang umalis at itinanong ang kanyang sadya.Humingi siya ng payo kay Pilosopo Tasyo sa kanyang planong pagpapatayo ng paaralan sapagkat ramdam niya na kailangan niyang sinangguni sa mas nakatatanda sa kanilang lugar. Nararamdaman kasi ni Ibarra na kahit siya’y ipinanganak sa Pilipinas ay para siyang dayuhan dito. Sinabi niya ang pagnanais niyang magpatayo ng paaralan sa kanilang lugar. Ngunit ang sinabi lamang ni Pilosopo Tasyo ay dapat siyang  sumangguni sa kura paruko at sa mga namumuno sa kanilang lugar. Hindi siya makapagbibigay ng payo dahilang ang tingin sa kaniya ay isang baliw. Ang ibinigay na payo ay hindi sinangayunan ni Ibarra, sapagkat alam ni Pilosopo Tasyo na ang ipapayo lamang sa kanya ng mga nasa simbahan at mga namumuno ay hindi magaganda at ang pagsangguni ay hindi ibig sabihing  kailangan niyang sumunod sa lahat ng payo. Kailangan aniyang kunwari’y makinig sa mga payo nila para walang maging problema. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita na ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga sinabi ng kinauukulan. Hindi rin sumang-ayon si Ibarra sa nabangit ni Mang Tasyo, naniniwala kasi siyang ang magandang layunin ay hindi na kailangang gumamit ng kasinungalingan. Para naman ito sa kapakanan ng nakararami ang kanyang gagawin kaya’t naniniwala siya na sasang-ayon ang simbahan at pamahalaan at maging ang taong bayan. Sinabi ni Mang Tasyo na mas higit na makapangyarihan ang simbahan kasya sa pamahalaan kaya’t kung gusto niyang matupad pa ang kanyang plano ay dapat na maging sunud-sunuran muna kunwari siya sa mga ito. Kung hindi niya ito gagawin mauuwi sa wala ang kanyang mga plano dahil ang tagumpay ng isang plano ay nasa kamay ng mga kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan. Ang pamahalaan ay kasangkapan lamang ng simbahan, mas higit na makapangyarihan ang simbahan dahil kung hindi nito susuportahan ang pamahalaan, ito ay babagsak lamang.Sinabi ni Ibarra na sa kanyang palagay ang mga tao sa kanilang lugar ay nasa maayos naman kalagayan sapagkat wala siyang reklamo na naririnig mula sa mga ito. Naghihirap ang mga tao rito dahil sa pamamahala ng simbahan at pamahalaan. Tinutulan naman ni Mang Tasyo ang kanyang tinuran, aniya ang mga mga tao sa kanilang lugar ay mga pipi sa pagdaing laban sa mga may kapangyarihan ngunit darating ang takdang panahon ay sisiklab ang galit na matagal nang kinikimkim at masusulat sa kasaysayan ang himagsikang magaganap. Ngunit hindi muli ito sinang-ayunan ni Ibarra, sinabi niyang ang simbahan at ang pamahalaan ay hindi papayagang mangyari ang inisip ni Pilosopo Tasyo na pagdanak ng dugo sa himagsikan. Ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo ay wala ring silbi ang anong magandang balak ng mga namumuno sa itaas kung hindi naman natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman ng mga dapat na magpatupad nito at ang kamangmangan pa ng mga tao.Namulat si Ibarra sa ideolohiyang liberal kaya’t hindi niya matanggapa ang  mga sinasabi ni Pilosopo Tasyo. Napansin ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni Ibarra sa usapan. Inihalintulad ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa halaman, katulad ng rosas na kailangang sumunod sa hampas ng hangin dahil kung ito’y sasalungat maaring mabali ang tangkay nita at puno ng makopa  na kailanangan suportahan muna upang hindi mabunot sa pagkakatanim nito sa lupa. Ang payo ni Pilosopo Tasyo ay kailangang yumuko muna si Ibarra sa mga may kapangyarihan, sa simbahan at sa pamahalaan upang matupad ang gusto niyang mangyari. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas mas mainam kaysa salubungin ng hindi makabangon.Nag-isip si Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga plano dahil siguro ito sa ang karunungan ng mamamayan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay sa kanyang mga balakin ay may uusbong pa rin na bagong pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura paruko na marahil ay hindi naman katulad ng umusig sa namatay niyang ama. Pakikiusapan din niya ang  kura ng siimbahan na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak nito dahil kailangan nila ang tulong. Nagpaalam na si Ibarra at tuluyang ng umalis.

No comments:

Post a Comment